Holy week na. Tama na muna sa paglalandi. Walang day off te?
a perfect relationship isn’t actually perfect, its just that both people never give up

Kendra? Kendra? Wanna taste a green orange? Green orange for real? Amoy na amoy, is it real? is it real? Nesfruta! Kitang kita! Real na real! Dan dan dan! Dalandan, Dan dan dan! Sarap ng real! Lasap na lasap! Real na real! Real na real! Dan dan dan! Dalandan.

LOVE > LUST

Minahal mo kasi maganda, sikat tapos sexy. Asan yung love dun tol? Baka libog lang yan? Paano kapag hindi ka naka-score? iiwanan mo nalang yung babae nang basta-basta? Mali yan tol ah. Dapat kapag magmamahal tayo hindi tayo nagpapalamang sa Lust. Love dapat ang higit na pinagyayaman natin kasi kung mahal mo talaga yung taong iyon makakapaghintay ka ah. Mangingibabaw dapat yung love laban sa Lust which means mas papahalagahan mo yung respect, love at patience mo. Ayos ba tol! :)

Bench model ba hanap mo? HAHAHAHAHAHAHA XD

Bench model ba hanap mo? HAHAHAHAHAHAHA XD

Kapag nagmamahal yung isang tao alam ko kaakibat nun yung salitang pagiging mabuting tao na din. Kasi kapag nagsimula kang magmahal magsisimula na ring magbukas ang kaisipan mo at maka-realize nang mga bagay na dapat pinapahalagahan.Halimbawa nung nagmahal ka natuto kang mag-value nang halaga nan tao na hindi ka dapat at wala kang karapatan mang-api o manakit nang iba dahil alam mo sa ibang punto yung taong dapat na aapihin mo o sasaktan ay mamahalin at pahahalagahan nang iba. Marerealize mo din na ang sagot sa kapayapaan ay ang pagmamahalan. Kung mahal nang lahat nang tao ang isa’t-isa walang mangangahas na pumatay nang kapwa. Ginagawa mong maging mabuti at gumawa nang kabutihan sa kagustuhang maging deserving at karapatdapat sa taong iyong sinisinta ang hindi natin namamalayan ito rin pala ay may dulot na tulong sa atin at pati na rin sa ibang tao. 

San ka naloko. Dun sa salitang FOREVER o sa ILILIBRE KITA?

Ako both! XD

KUYS. <3

Ang ganda nang Diary ng Panget the movie. Sobra siyang nakakatawa. Havey lahat nang jokes s’kin e bentang-benta. Lalo kong na-enjoy yung movie kasama ko kasi si Inspirasyon (landi On) haha! Ito yung unang beses na nakasama ko siya nang personal yung tipong kaming dalawa lang. Ang expected ko syempre di pa kami ganun ka-close sa personal mahihiya pa siya nang kaunti s’kin pero hindi e. Sobrang sweet niya at napaka-clingy, natutuwa ako kapag kinikilig siya sa movie tapos hinahawakan niya yung braso ko feeling ko komportable siyang kasama ako yung tipong pinapadama niya s’kin na safe siya kapag kasama niya ako.

Nakakatuwa din kasi ang kwento niya s’kin ang daldal niya nga e. pero kapag magkatext kami o magka-chat sa FB ang tahimik niya at di masiyadong nagtetext nang mahaba, ako kasi nobela magtext sknya e. ayoko kasi siya nabobored kapag magkatext o magka-usap kami. Lahat nang kalokohan ko nasasakyan niya kahit minsan waley yung joke ko di niya ako binabara. Basta grabe nakakatuwa itong araw na ito hindi ako papayag na hindi ito mauulit. Babawi ako naubos pera ko kanina e. Iyak! Hahahaha. Malay natin ito na yung simula nang lovestory na inaasam ko. Yung lovestory na aabot hanggang sa ending nang buhay ko. :)